top of page

ABANTE PANGASINAN ILOKANO PARTY-LIST

AMADO T. ESPINO, JR.

First Nominee, API

Si Governor Amado Totaan Espino, Jr. ay isang magiting na sundalo na nagtapos sa Philippine Military Academy noong 1972. Bilang isang military at police official, siya ay tumanggap ng maraming parangal at pagkilala. Pagkatapos, siya ay tumakbo, nanalo, at muling nahalal bilang Kongresista ng Ikalawang Distrito ng Pangasinan mula 2001 hanggang 2007. Noong 2007-2016, siya ay nahalal at nagsilbi bilang Gobernador ng Pangasinan. 

 

Sa husay ng kanyang pamumuno, tinagurian siyang “Chief Architect” ng “Golden Era of Pangasinan” dahil nanumbalik ang kinang ng Pangasinan sa larangan ng imprastrakstura, kalusugan, pangangalakal, peace and order, edukasyon, kultura, turismo at kalikasan. Higit sa lahat, ibinalik niya ang dangal at propesyonalismo ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan at inilusad niya ang I Love Pangasinan Movement

 

Dahil sa kanyang mahusay na pamumuno, tumanggap ang Pangasinan ng napakaraming pagkilala  sa loob ng siyam na taon. Inayos din niya and Capitol Complex, na binansagang pinakamagandang kapitolyo sa buong Pilipinas. Sa kanyang panunungkulan, kinilala ang Pangasinan bilang isa sa mga pinakamatatag at pinakamatagumpay na lalawigan sa buong bansa. Sa pagtapos ng kanyang termino bilang Gobernador, nagsilbi siya bilang Kongresista ng Quinto Distrito ng Pangasinan noong 2016-2018. 

 

Noong 2013, itinatag niya ang Abante Pangasinense-Ilokano (API), isang rehiyonal na partidong pampulitika at partylist na naglalayong pangalagaan ang interes ng mga Pangasinense at Ilokano sa buong bansa. Siya ang kasalukuyang Chairman ng API at nangunguna sa pagsusulong ng kapakanan ng mga mamamayan ng Pangasinan at mga Ilokano.

 

Cong Ama_edited_edited.png

ABANTE PANGASINAN ILOKANO

Lupon at kalipunan ng mga Pangasinense at Ilokano saan mang probinsiya sa Pilipinas at saan mang sulok ng mundo kung saan nila matatagpuan ang kanilang sarili. Nagkakaisang dugo, isip, kultura at adhikain ng mga Pangasinense at Ilokano.

​

KABUHAYAN

Pagsusulong ng programa na tutugon sa mataas na presyo ng abono at kagamitang pangsakahan at pangisdaan upang maibsan ang alalahanin ng mga magsasaka at mangingisda.

​

KULTURA

Pangangalaga at pagpapanatili ng sariling kultura ng mga Pangasinense at Ilokano, lalung-lalo na ang sariling diyalekto.

​

KALUSUGAN

Pagsusulong ng batas na magkaroon ng doktor at nars sa barrio. Dadalhin ang serbisyong pang kalusugan mula sa pinakamalapit hanggang sa pinakamalayong barangay katuwang ang programang Abig Pangasinan.

​

KATARUNGAN

Pagsusulong ng karapatang legal ng mga mahihirap sa pamamagitan ng libreng serbisyong legal o free legal assistance.

​

KABABAIHAN

Pagsusulong sa karapatan ng mga kababaihan, kasama ang mga may kapansanan.

  • Facebook

Follow us

bottom of page