

PROGRAMANG TATAK ESPINO
_JPG.jpg)
I LOVE PANGASINAN KALUSUGAN
KARABAN
Inilunsad ang I Love Pangasinan Kalusugan Karaban (ILPKK) ni dating Gobernador Amado “Pogi” I. Espino III noong Setyembre 2016. Dalawa o tatlong beses kada linggo, dinala ng programang ito ang libre at komprehensibong medical, dental, at veterinary missions ng Kapitolyo sa iba’t-ibang bayan, siyudad, at barangay ng lalawigan, lalo na yung mga nasa liblib at malalayo. Ang Kalusugan Karaban ay nagsilbing sentro ng public health care at delivery services at naging epektibong katuwang ng 14 provincial hospitals.
_JPG.jpg)
ABIG PANGASINAN
Bilang tugon sa pinsala at trahedyang idinulot ng pandemya, inilunsad ni dating Gobernador Amado “Pogi” I. Espino ang Abig Pangasinan Recovery Program para sa lalawigan. Sa pamamagitan ng Abig Pangasinan, balanse at sabay na tinugunan ng Pamahalaang Panlalawigan ang pangangalaga sa kalusugan ng mga Pangasinense at ang pagbangon at pagpapasigla ng ekonomiya ng Pangasinan. Isa o dalawang beses kada linggo, walang kapagurang pumupunta ang Abig Pangasinan Karaban sa pangunguna mismo ni Gob Pogi Espino, sa iba’t-ibang bayan, siyudad, at barangay ng lalawigan bitbit ang mga pangunahing programa ng Kapitolyo gaya ng Kalinisan Karaban, Abig Laman ed Barangay Kalusugan Karaban, Food Production Support Program, Kabuhayan Palengke Karaban, Tulong Pangkabuhayan sa OFW Project, Mobile Skills Training Project, Provincial Livelihood Assistance Program, Pamanang Yaman, Produktong Pangasinan, Karagdagang Pangkabuhayan (Cash-For-Work), at veterinary missions.
_JPG.jpg)
NO BALANCE BILLING
Ipinagpatuloy ni dating Gobernador Amado “Pogi” I. Espino III ang pagpapatupad ng “No Balance Billing Policy” sa 14 ospital na nasa pamamahala ng Kapitolyo. Layon nito ang paghandog ng libre at dekalidad na mga pangunahing serbisyo ng 14 provincial hospitals para sa mga pasyenteng hirap o kapos sa buhay. Kaya’t ginawang prayoridad ni Gob Pogi ang pagdagdag ng mga bagong empleyado, gamit, at sasakyan; ang pagkakaroon ng sapat na hospital supplies; at ang pagtatayo ng mga makabagong gusali at pasilidad sa 14 provincial hospitals ng Pangasinan - dahilan para taguriang hospital-of-choice ang mga ito noong panahong iyon.
_JPG.jpg)
FIT3-RP LABAN SA COVID-19
Sa ilalim ng liderato ni Governor Amado “Pogi” I. Espino III, binuo at inilunsad ang “Find. Isolate. Test. Trace. Treat Reintegrate. Prevention” o FIT3-RP program bilang panlaban sa pandemyang dulot ng Covid-19. Dahil sa maagap, walang kapaguran, at puspusang pagbabantay at sakripisyo ng administrasyong Espino noong panahon ng pandemya, ang probinsya ng Pangasinan ay pangalawa sa may PINAKAMABABANG kaso ng Covid19 sa hanay ng labindalawang pinakamalalaking probinsya sa Pilipinas (data as of March 07, 2022).
_JPG.jpg)
INFRASTRUCTURE PROJECTS
MGA GUSALI SA LOOB AT LABAS NG KAPITOLYO Mahigit 350 na gusali/pasilidad ang naipatayo ng administrasyon ni Governor Amado “Pogi” I. Espino III simula 2016. Ang mga gusaling ito ay itinayo upang palawakin ang serbisyo ng pamahalaang panlalawigan at para mas higit na matugunan ang tumataas na pangangailangan ng isang malaking probinsyang gaya ng Pangasinan. Ilan sa mga ito ay ang Pangasinan Training and Development Center II, Abong na Dayew o Hall of Fame Building, Pangasinan Reformation Center, Children’s Library and Information Center, Provincial Engineering Office Warehouse, Provincial Shuttle Bus Terminal 2 at Service Bay Building, 2-Storey PEO Building, General Service Office Warehouse, 2-Storey Legislative Building Phase 1, 3-Storey DRRM Command Center, DRRM Warehouse & Terminal, 3-storey Archive & PIO Building, Pangasinan Crisis Intervention Center & Pangasinan Social Welfare & Development Office, PSWD Multipurpose Building for Basic Sectors, Capitol Resort Hotel Wellness Building and Villas. Taong 2019 nang umpisahan ang Pangasinan Convention & Multipurpose Center (PCMC) Phase 1 sa Bugallon na may full-house seating capacity na 10,000. Kabilang rin sa mga ongoing major infrastructure projects sa dulo ng termino ni Gob Pogi noong 2022 ay ang Provincial Waste Management Building Phase I and Multipurpose Building/Evacuation Center sa Bugallon, at ang Farmers Training Center and 2 Units Warehouse with Office and Multi- Purpose Drying Pavement sa Sta. Barbara.
_JPG.jpg)
BAGONG SASAKYAN AT KAGAMITAN
Binubuo ng 44 na bayan, 3 siyudad, 1,333 barangays na nahahati sa anim na distrito, at populasyong mahigit tatlong milyong katao… ang lalawigan ng Pangasinan ay itinuturing na isa sa mga pinakamalalaking probinsya sa Pilipinas. Kaya naman, sa ilalim ng administrasyon ni Gobernador Amado ‘Pogi’ I. Espino III mula 2016 hanggang 2022, isinamang prayoridad ang pagdagdag ng mga mahahalaga at bagong mga sasakyan at kagamitan para sa mas pina-igting na paglilingkod ng mga opisina at mga ospital, at para sa epektibong paghatid at pagbaba ng mga pangunahin at makabuluhang serbisyo ng Kapitolyo sa lahat ng bayan, siyudad, at barangay ng Pangasinan. Kabilang sa mga ito ang sumusunod: [For Health Services] 2 mobile diagnostic & treatment clinic; Mobile chest x-ray, ecg, eye check-up & laboratory machines; at 2 mobile kitchen para sa Kalusugan Karaban 7 autoclave machines, karagdagang dialysis machines, blood bank & molecular lab equipment, at mga karagdagang ambulansya at service vehicles sa 14 ospital [For Employment Services] 4 training trucks, 1 training bus, training equipment at start-up kits para sa Mobile Skills Training Project 1 modified bus para sa Job Fair on Wheels [For Livelihood Services] 1 modified truck & equipment para sa Pamanang Yaman Produktong Pangasinan [For Environment Services] 1 modified truck at Brick-making machine & grinder para sa Kalinisan Karaban [For DRRM Services] 9 rescue trucks 4 mass casualty vehicles 2 land ambulance 10 rescue boats 1 sea ambulance 2 jet skis 1 speedboat 4 closed vans 3 L300 vans 2 pickup trucks 2 commuter vans [Social Services] 8 provincial buses 2 coaster buses 8 dump trucks 2 water trucks 3 dropside trucks 2 wing van trucks 4 hydraulic excavators 2 amphibious excavators 1 payloader 1 road grader 1 road roller 1 vibratory roller 3 mini vibratory rollers 3 asphalt pavers 2 aerial platforms 1 forklift 1 sewer/ drainage vacuum declogger 1 tractor head 1 lowbed trailer 1 dredging machine 4 mini dump trucks 2 bulldozers 7 service vehicles

UMAANI EXPO
Sa pamumuno ni Gobernador Amado “Pogi” Espino, inilunsad ang kauna-unahang Pangasinan Umaani Expo noong 2017 para sa mga Pangasinenseng nasa sektor ng agrikultura. Sa taunang pagdaraos ng isang linggong Umaani Expo, nakita at naibahagi ang mga sari-sari at makabagong produkto at teknolohiya, at best practices sa agrikultura. Kabilang din ang mga pagsasanay sa food production, processing, packaging, at management and marketing skills para sa mga agri-entrepreneurs.
_JPG.jpg)
CERTIFIED PALAY SEEDS DISTRIBUTION
Sa liderato ni Gob Pogi Espino, ang Pangasinan ay nagkaroon ng 209% rice sufficiency rate o may kakayahang umani ng higit sa kinakailangang supply ng populasyon nito. Mula 2016-2022 umabot sa 60,144 bags of certified palay seeds ang naibigay ng Kapitolyo sa mga magsasaka. Lumapit rin si Gob Pogi sa Department of Agriculture na naghandog ng 1,194,336 bags of palay seeds para sa mga magsasakang Pangasinense.
_JPG.jpg)
FERTILIZER DISTRIBUTION
Umabot sa 32,160 bags of fertilizers ang napamahagi sa mga magsasakang Pangasinense. FRUIT-TREE SEEDLINGS Nagbigay rin ng aabot sa 1,677,262 seedlings at 4,249 trays ng vegetable seedlings sa iba’t-ibang asosasyon sa Pangasinan. FISH FINGERLINGS Mula 2016-2022, pinangunahan ni Gob Pogi ang dispersal ng 10.74 milyong tilapia fingerlings at 50, 800 hito fingerlings sa iba’t-ibang kailugan ng probinsiya. NATIONAL FOOD PRODUCTION RANK NG PANGASINAN SA ILALIM NI GOB POGI ESPINO 1ST – sa Bangus sa Talong sa Mani sa Mangga 2nd -sa Munggo 3rd -sa Palay 4th -sa Kamatis 7th -sa Mais Sa Sibuyas
_JPG.jpg)
FARM MECHANIZATION
Noong administrasyon ni Gobernador Amado ‘Pogi’ I. Espino III, nagpatayo ng 973 Shallow Tubewell Irrigation projects para mai-ayos ang irigasyon sa mga sinasakang bukid ng mga magsasakang Pangasinense. Sa pamamagitan ng Farm Mechanization program ni Gob Pogi, naipamahagi rin sa mga magsasakang Pangasinense ang mga sumusunod: 2,881 water pumps & engine sets; 2.444 rechargable sprayers; 364 hand tractors; 13 axial flow pumps; 1 four-wheel tractor; at 1 rice harvester. Upang lalong maisulong ang kabuhayan ng ating mga kababayang magbubukid at ang industriya ng agrikultura sa Pangasinan, humingi rin si Governor Espino sa Department of Agriculture ng mga karagdagang makinaryang ipinagkaluob sa iba’t-ibang farmers groups sa lalawigan. Ito ang mga sumusunod: 315 four-wheel tractors; 275 hand tractors; 146 rice combine harvesters; 32 water pumps & engine sets; 35 walk-behind transplanters; 27 rice threadhers; 18 rice reapers; 15 recirculating dryers; 8 mobile rice mills; 7 rice precision seeders; 6 riding-type transplanters; 2 multi-stage rice mills; 2 PTO-driven disk plows/harrows; 2 hauling trucks; 1 de-stoner; 1 two-row corn planter; at 1 corn husker.
_JPG.jpg)
KABUHAYAN PALENGKE KARABAN
Gamit ang “pakyaw system”, bumili ng mga sariwang produktong agrikultura mula sa mga maglalako sa iba’t-ibang palengkeng napuntahan ng Abig Pangasinan karaban. Nasa 2,425 small-scale vendors sa buong lalawigan ang nabilhan ng sari-saring panindang umabot sa suma total 4.5 milyong piso. Ang mga nabiling produkto ay agad dinadala sa 14 provincial hospitals upang ilutong pagkain ng mga kawani at mga pasyente.
_JPG.jpg)
PANGANGALAGA NG KALIKASAN
Sa panahon ng administrasyong Espino, tanging Pangasinan ang may sariling Mangrove Information Center and Nursery sa Rehiyon Uno. Umabot sa 376,748 mangrove seedlings ang naipamahagi at naitanim sa mga coastal areas at riverbanks ng Pangasinan. Taong 2017 nang umpisahan ni Gob Amado “Pogi” Espino ang Adopt-A-Mountain Project na layong taniman, alagaan, protektahan, at panatilihin ang angking ganda ng mga kabundukan sa lalawigan. Higit sa 30,000 seedlings ang naitanim sa 180-ektaryang sakop ng proyekto sa barangay Cayanga, Bugallon at barangay Calitlitan, Umingan. Mayroong irrigation system, bunker, fire line, lookout towers, at mga caretakers sa plantation sites para masiguro ang maayos na paglaki ng mga itinanim na puno.

JOB FAIR ON WHEELS
Nilunsad naman ni Gob Pogi Espino noong Hulyo 2018 ang Job Fair on Wheels (JFOW) na layuning dalhin at ilapit na mismo ang job opportunities sa mga Pangasinense sa lahat ng bayan at siyudad ng Pangasinan. Kabilang ang JFOW sa mga programa ng Kapitolyo noon na nakatulong sa tinatayang 12,764 Pangasinenseng nagkaroon ng trabaho sa loob at labas ng bansa.
.jpg)
PROVINCIAL SCHOLARSHIP PROGRAM AT TULONG EDUKASYON
Nang umupo si Gobernador Amado “Pogi” I. Espino III noong 2016, isa sa kanyang agad-binigyang pansin ang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang Pangasinense na magkaroon ng matatag at magandang kinabukasan sa pamamagitan ng matibay at dekalidad na edukasyon. Dahil dito, pinagpatuloy at pinalawig pa ni Gob Pogi ang noo’y Provincial Scholarship Fund Board Academic Management Program sa ilalim ng dating Governor Amado T. Espino Jr. Dinagdagan din ni Gob Pogi Espino ang bilang ng mga studyanteng nakatanggap ng provincial scholarship na itinulak din nya para maging institusyon, kaya nagkaroon ng Provincial Ordinance No. 205 Series of 2017, “An Ordinance Institutionalizing the Scholarship Program of the Province of Pangasinan, and Appropriating Funds Therefor”. Hawak ang naturang Ordinansa, pinagtibay ni Gob Pogi ang paglalaan ng karagdagang budget at itinaguyod ang sumusunod na scholarships: 1. Provincial Scholarship Program for the Academically Highly Competent College Students; 2. Provincial Scholarship Program for the Pangasinan State University (PSU); 3. Provincial Scholarship Program for the National Commission on Indigenous Peoples (NCIP); 4. Provincial Scholarship Program for the Federation of Pangasinan Muslim Association; at, 5. Provincial Technical-Vocational Scholarship Program para sa mga gusto agad makapagtrabaho. Maski noong kasagsagan ng pandemya ay tuloy-tuloy ang scholarship sa ilalim ni Gob Pogi. Kaya’t mula 2016 hanggang 2022, nagkaroon ng mahigit 5,500 college scholars at hindi bababa sa 5,000 TESDA scholars.
_JPG.jpg)
PROVINCEWIDE SPORTS PROGRAM
Taong 2016 nang buksan ni Governor Amado “Pogi” Espino III ang kauna-unahang Governor’s Cup Inter-Town/City Basketball Tournament para sa mga kabataang Pangasinenseng edad 18-24. Naka-apat na edisyon ito kung saan 917 official games ang naisagawa at 2,592 players, coaches, team officials, at sports coordinators ang nakasama. Humigit-kumulang 5,600 Pangasinense naman ang sumali sa Pangasinan Chess Festival (PCF) simula 2016. Nagkaroon din ng Online Chess Tournament noong 2020 na nilahukan ng 300 manlalaro. Nasa 2,380 kawani naman mula sa local government units (LGUs) sa probinsya ang nakilahok sa 581 official games ng basketball at volleyball tournament ng tatlong edisyon ng Inter-LGU Unity Games na inilunsad ni Gob Pogi noong 2017.
.jpg)
HATID ESTUDYANTE PROGRAM
Sa pamamagitan ng Hatid Estudyante program noong kasagsagan ng Covid 19 Pandemic, 452 na mga estudyanteng Pangasinenseng na-stranded sa iba’t-ibang lugar sa labas ng Pangasinan ang sinundo ng provincial government at inihatid mismo sa kani-kanilang mga pamilya dito sa probinsya.

ISO CERTIFICATION
Nakamit din ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ni Gob Pogi Espino noong 2017 ang International Organization for Standardization 9001: 2015 (ISO) Certification para sa administrative services nito, at noong 2020 naman para sa serbisyong pangkalusugan. Ang ISO certification ay patunay ng mataas na kalidad ng trabaho at paghatid-serbisyo ng Kapitolyo alinsunod sa globally-accepted standard, noong panahon ni Gob Espino.

GEO CLOUD HAZARD MAPPING
Inilunsad rin sa lalawigan (katuwang ang JICA o Japan International Cooperation Agency at ilang LGUs), ang Geocloud/Hazard Mapping na nakapag-generate ng 1,095 maps na nagamit para sa hazard mapping, risk assessment at information sharing sa disaster preparedness ng Pangasinan. Ang Pangasinan ang isa sa kauna-unahang LGU sa buong Pilipinas na nagkaroon ng Geocloud/Hazard Mapping.