

AMADO “POGI” I. ESPINO lll
Si Governor Amado “Pogi” Ignacio Espino III ay nag-umpisa sa larangan ng serbisyo-publiko bilang Konsehal bago naging Alkalde ng Bayan ng Bautista ng tatlong termino. Siya rin ay naging miyembro ng Sangguniang Panlalawigan nang siya ay mahalal bilang Pangulo ng Liga ng mga Barangay, Provincial Chapter. Pagsapit ng 2016, siya ay nahalal bilang Gobernador ng Lalawigan ng Pangasinan sa kauna-unahang pagkakataon.
Sa kanyang unang termino bilang Gobernador, hindi lamang ipinagpatuloy at pinalawak ni Gob. Pogi Espino ang mga programa ng kanyang ama; naglunsad siya ng mga bagong programa upang masigurong maihatid ang mga pangunahing serbisyo ng Kapitolyo at pampublikong ospital sa bawat bayan, maging sa malalayong barangay ng Pangasinan. Sa unang taon ng kanyang unang termino bilang Gobernador, inilusad niya ang isa sa kanyang mga flagship programs: ang “I Love Pangasinan Kalusugan Karaban.”
Sa kanyang ikalawang termino, hinarap ni Gob. Espino ang hamon at bangis ng pandemya ng COVID-19. Sa gitna ng krisis, inilunsad niya ang programang “Abig Pangasinan” na naglalayong balansehin ang pangangalaga sa kalusugan at pagpapasigla ng ekonomiya. Pinagsama-sama niya ang mga pangunahing progama ng kanyang liderato para umikot sa buong lalawigan ng dalawa o tatlong beses kada linggo. Saklaw ng Abig Pangasinan ang mga sumusunod: Kalinisan Karaban, Abig Laman ed Barangay Kalusugan Karaban, Kabuhayan Palengke Karaban, Tulong Pangkabuhayan sa OFW, Provincial Livelihood Assistance Program (PLAP), Mobile Skills Training Project (MSTP), Pamanang Yaman, Produktong Pangasinan, Food Production Support Program, Karagdagang Pangkabuhayan (Cash-for-Work), veterinary missions, at marami pang iba.
Pinaigting din ni Gob. Pogi ang suporta sa mga frontliners, pagbibigay ng proteksyon laban sa pandemya, pagbibigay ng oportunidad sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs),gayundin sa mga walang trabaho at pagpapabuti ng edukasyon para sa mga kabataan. Tiniyak ni Gob. Pogi na ang bawat sulok ng Pangasinan ay naaabot ng tapat at tunay na serbisyo na naglalayong maitaas ang antas ng kabuhayan ng bawat Pangasinense. Dahil sa tapat at walang kapagurang dedikasyon ng kanyang administrasyon, ang probinsya ng Pangasinan ay naging pangalawa sa may PINAKAMABABANG kaso ng COVID-19 sa hanay ng labindalawang pinakamalalaking probinsya sa Pilipinas.
Sa kanyang dalawang termino bilang Gobernador, nakamit ng probinsya ang mga pambansa at pandaigdigang pagkilala sa larangan ng good governance, agrikultura, kalusugan, pangangasiwa sa mga empleyado, turismo, at kalikasan. Kinilala ang Pamahalaang Panlalawigan bilang Hall of Famer ng Department of the Interior and Local Government (DILG) matapos nitong sunod-sunod na maipasa ang Seal of Good Local Governance (SGLG) mula 2015 hanggang 2019. Dahil sa pandemya, hininto muna ng DILG ang programang ito mula 2020 hanggang 2021. Noong 2022, nakatanggap muli ang lalawigan ng SGLG award. Bukod pa rito, ang Pangasinan ay pumasa sa International Organization for Standardization o ISO 9001:2015 at naging Employer of the Year awardee na iginawad ng Investors in People (LiP) na nakabase sa London, England.
GOVERNOR, 2025

NOEL ABELLA NACAR
Si former Mayor Nacar ay nagtapos ng Business Administration major in Management at naglingkod bilang municipal councilor at three-term mayor ng Dasol. Kilala siya sa mga isinulong niyang mahahalagang proyekto at inisyatibo sa bayan ng Dasol na may malaking ambag sa pag-unlad ng naturang bayan.
Matagumpay niyang pinayabong ang turismo sa bayan ng Dasol habang pinaigting ang katahimikan at kaayusan sa kanyang pinamumunuan. Inayos niya ang mga daan upang madaling marating at pasyalan ng mga turista ang kanyang bayan, at pinagbuti niya ang tradisyonal na paggawa ng asin, kung kaya't siya ay pinangalanang “Ama ng Asin Festival” sa lalawigan ng Pangasinan.
​
Hinangaan sa kanyang husay sa pamumuno, si Mayor Nacar ay ibinoto bilang Presidente ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) - Pangasinan Chapter ng dalawang beses. Malakas ang paniniwala ng karamihan na si Mayor Nacar ang karapat-dapat na katuwang at kasama ng isang batikang business entrepreneur na katulad ni Governor Amado “Pogi” I Espino III upang tuloy-tuloy na maisulong ang mga mahahalagang proyekto at inisyatiba ng lalawigan, lalo na sa ekonomiya at turismo, at para maging modelo muli ng kaunlaran at kasaganaan ang Pangasinan sa Rehiyon I at sa buong bansa.
VICE GOVERNOR, 2025
